ang dami na talagang nangangailangan ng trabaho ngayon. taun-taon ata nadaragdagan ang unemployed rates dito sa Pilipinas, kasama na dyan ang mga newly graduates, natanggal sa trabaho, nagsarang kumpanya, pati na ang mga kabataang nagsi tigil sa pag-aaral para lang kumita at makatulong sa magulang.
subukan mong pumasyal sa mga websites na kung saan may mga opportunity para magkaroon ng trabaho. isang katutak ang mga position pero iilan lang ag may relevance dun sa kakayahan mo. marami rin ang nag co-comment at nag iiwan ng e-mail address at contact number nila. nagbabaka sakaling mapili ng employer.
kung mapapadaan ka naman sa matataong lugar gaya ng recto, avenida at cubao, may mga namimigay ng flyers. pero ingat lang sa pag response sa imbitasyon nila. madalas ikaw ang papipiliin nila ng posisyon sa una, konting paliwanag about sa company/agency. tapos hihingian ka na ng kung anu-anong fees gaya ng entrance fee o joining fee, identification fee, examination fee, medical etc.... hindi ka pa nakakapag trabaho e, bugbog ka na sa gastos. kung pikit mata mo naman kakagatin ang alok nila kahit masakit sa bulsa at sa ngalan ng tsansa na magkaroon ng pagkakakitaan, game na game dyan ang ibang mapag samantalang agency. dahil sa exam ka nila yayariin. kapag pumasa ka, ikaw an pipili ng posisyon na gusto mo. pero kapag hindi, sila ang masusunod. let's say encoder ang pinili mo at hindi ka pumasa, gasoline boy ang bagsak mo. kung encoder man ang posisyon mo at nakapasa sa exam, ilalagay ka naman nila sa malalayong lugar. syempre hindi ka na rin makakatanggi dahil sa mga ginastos mong mga bayarin sa kanila. talo ka kapag umayaw ka. pero paano mo naman ma e-enjoy ang ang posisyon na hindi mo naman mahal? hndi ko naman sa minamaliit ang trabaho na gasoline boy. isinasa larawan ko lang ang posibleng gagawing panloloko sa'yo ng ina aplayan mo. maging mapanuri at alisto sa pagpili ng agency. mahalagang alamin din kung kinikilala ito ng Department of Labor and Employment(DOLE).
may mga option pa naman e. dumirekta ka sa kumpanya at alamin ang background nila. alamin ang contact number at address ng compay na gustong pasukan. magpasa ng resume, transcript of records at mga certificates na related dun sa posisyon na nais mo. huwag naman original copy maliban sa resume. pwede ring bumili ng dyaryo. itapon ang mga pahinang naglalaman ng masasamang balita. kunin mo lang yung classified ads. maraming kumpanya ang gustong sumubok sa mga bagong graduate. tapos gupitin ang ads sa dyaryo at ipakita kay mamang guwardiya na laging nakasuot ng shades at sabihing mag aaplay ka.
abangan ang announcement ni Mayor kung kelan magkakaroon ng job fair sa lugar niyo. puntahan at makipag siksikan sa libo-libong kakumpitensya mo. huwag mawawalan ng pag-asa. kahit na may iilang employer na nagpapa-cute lang sa job fair, aplayan mo! laging magdasal at maging presentable sa aaplayang trabaho.
hindi magtatagal at makukuha mo rin ang gusto mo. hindi na mahalaga kung sinong may kasalanan kung bakit natanggal sa dating trabaho o hirap makahanap ng trabaho o ano pa man. isipin na lang ang hinaharap at hindi magtatagal at may laging nakalaan para sa mga naghahanap.
Godbless and peace!


No comments:
Post a Comment