tauhan: leslie at nicole
paalaala: ang dialogong ito ay hango sa totoong buhay. ngunit ang ngalan ng mga tauhan at lugar ay kathang isip lamang. kung ano mang pagkakapareho nito sa ibang kwento ay nagkataon lang at hindi sinasadya...
leslie: o ano? tutunganga ka na lang ba dyan sa isang tabi o aasikasuhin mo yung costumer mo na kanina pa naghihintay sa kwarto nya?
nicole: (umiiyak)(kinakabahan)
hindi ko kasi alam kung paano ko i-entertain e. bago lang kasi ako dito.
leslie: madali lang. basta i-massage mo muna, tapos konting chika-chika, ok na!
'wag kang kabahan. ganyan din ako dati e. pero nung kumikita na ako ng malaki, naku! ako na ang humahabol sa costumer. ha!ha!ha!
nicole: massage lang ba talaga?
leslie: uhhmm... basta sundin mo lang mga pinapagawa nya. sige ka, malay mo galante yun. tsaka kapag baguhan dito, madalas ma-taken kasi inosente daw. ha!ha!ha!
nicole: e pano kung yayain nya kong......?
leslie: sex? kasama yun sa trabaho natin. diskarte mo na lang kung ibibigay mo o hindi. yung iba nga dito binobola lang yung costumer para hindi sila humantong sa ganun.
nicole: pano kung pilitin ako?
leslie: o, eh di sumigaw ka ng reyp!!! ano pa bang aasahan mo sa apat na sulok ng kwarto na kayong dalawa lang? ha!ha!ha!
nicole: hindi ko alam na ganito pala ang magiging trabaho ko dito. ang sabi kasi nung manager puro massage lang.
leslie: ganun talaga. mga lalaki ang pinagkakakitaan dito, alangan namang walang mangyari. wag ka ng umatras. andito ka na eh. go! go! go! first cosumer mo 'to kaya dapat pa-impress ka.
nicole: alam ko na! sabihin ko kayang may monthly period ako ngayon. baka sakaling mandiri sa'kin at hindi na kami humantong sa sex.
leslie: gaga! pero alam mo, 'pag may dalaw ako at matindi ang pangangailangan ko ng pera tpos pogi pa yung guy, pinapasakan ko 'to ng bulak.
nicole: bulak? pano?
leslie: pinapasakan ko ng bulak para huminto ang pagdugo. para tuloy ang ligaya. ha!ha!ha! pero delikado yun. (pabulong) meron nga dito sinugod pa sa ospital para lang madukot yung bulak.
nicole: nakakatakot naman.
leslie: pero optional lang yun. pwedeng hindi gawin. pang veterans move lang yun! ha!ha!ha!
nicole: kung hindi ko lang kailangan ng pera hindi ko itutuloy 'to. may sakit kasi tatay ko. nasa ospital sya ngayon. yung apat na kapatid ko sa'kin umaasa. panganay kasi ako. nanay namin patay na. ako na ang tumatayong ama at ina ng pamilya.
leslie: naiintindihan kita. babae rin ako. pero ikaw pa rin ang magdedesisyon kung itutuloy mo o hindi. dito nakasalalay ang kinabukasan natin bilang babae. kumakapit tayo ngayon sa patalim. basta ipangako mo lng sa sarili mo na kaya ka pumasok dito dahil para lang sa ikagaganda ng buhay ng pamilya mo. wala na rin akong mapasukang ibang magandang trabaho. kung meron man, siguradong hindi sapat ang kita. aminin na natin na ang trabahong ito ang isa at madaling paraan para kumita. yun nga lang, kanya-kanyang takbo 'pag my raid. pero 'wag kang mag alala, kilalang tao ang may-ari ng club kaya walang dapat ipag alala.
voice over: "follow-up number 96, follow-up number 96. kanina pa naghihintay ang guest mo sa room 69."
leslie: o nicole, ikaw yun diba? number 96 daw. pina follow-up ka na. baka magalit yung guest mo.
nicole: (malalim na buntong hininga)
dudugtungan pa kaya ni nicole ang putuloy na lumalalang pagtaas ng prostitusyon sa bansa?
salamin
performed by: distinctive traits
angie, arnel, chard, cholo and mark
original composed by: m.a.p
(drumbeat)
nakatunganga sa harap ng salamin
pinagpapawisan sa init ng ilaw
mga balat mo'y natutuyo na,
sa nagkapatong-patong na
harinang kinalat
bakit ganyan ang pagkatitig sa akin
tila nag-aabang ng hulog ng langit
pasensya na dahil hindi lang sanay
na makitang lumuluha kahit nakatawa
(pre-chorus)
itanong mo sa akin
ang hindi mo nalalaman
tumayo ka't ako'y tawagin
nariyan lang sa 'yong likuran
huminga ka ng malalim
mga mata'y subukang ipikit
tingnan mo ang 'yong sarili
katawa'y punong-puno ng putik
(chorus)
oh, ika'y hindi ko hahayaang,
lumubog sa ganitong mundo
'di malaman kung pa'no
wawasakin ang salamin
pipilitin kang kunin
(2x)
ngyon alam mo na
hindi kta iiwan
kaya't gumawa ng paraan upang
makalabas dyan
naghihintay ako sa pagsikat mo
lahat ay umaasa sa muling paglaya mo


No comments:
Post a Comment