Thursday, May 21, 2009

pay per pray


Marami ng naglalabasang oportunidad sa Internet upang pagkakitaan. andyan ang pay per click, blogs, pay to read emails, paid to surf at iba pa. hindi lang sa Internet, kadalasan ay papigaan ng utak ang mga Pinoy kung paano kikita sa hirap ng buhay ngayon. kanya-kanyang rin ng gimik kung paano mapapa-unlad ng husto ang negosyo. sa mga namamasukan naman ay patok ang side-line. pandadag kita sa lumalaking krisis na kinakaharap ngayon ng masa.

sadyang malikhain ang mga Pinoy pagdating sa ganitong kagipitan. gaya na lang ng iba nating kababayan sa isang Simbahan sa Maynila. alam kong hindi na ito bago sa iba. pero tumawag ito ng sa aking ng atensiyon at medyo naguluhan ng konti. kung nakatayo ka sa gawing entrace ng Simbahan ay mapapansin mo ang mga grupo a nananalagn para sa iba kapalit ng pera o donasyon. kadalasang may hawak silang rosaryo at novena. taimtim sila kung magdasal at tila sanay sa ganung gawain. yung iba naman ay wari'y naghihintay na may magpadasal sa kanila. kumbaga, naghihintay sila ng Costumer.

Hindi sila tauhan ng Simbahan. at sa aking palagay ay tutol din ang Simbahan dito. kung bakit sila andun, hindi ko na alam. Wala namang masama sa pagdarasal.Yung iba ay kaya raw nagpapadasal ay dahil sa abala sila sa trabaho. kaya nagbabayad na lang ng Donasyon para ipanalangin ng iba. Pero hindi dapat iasa sa kung sino man ang Panalangin. Ang Panalangin ay sagrado. Ikaw mismo ang dapat na gumawa nito dahil nakataya dito ang ika lilinis kaluluwa mo. at ng sa gayon ay maramdaman ng Diyos na totoo at seryoso ang ipinapanalangin mo sa kanya. Na talagang ikaw ay nagsisisi sa mga nagawa mong kasalanan. Kung ikaw naman ay may hihilingin sa kanya, ikaw din dapat mismo ang gumawa. Wala pang bayad o donasyon na hindi mo alam kung saan mapupunta. Mas okey pa kung sa Simbahan mapupunta e. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, hndi sila tauhan ng Simbahan.

Mas maganda kung magdarasal tayo ng libre para sa iba. Yung tipong "Lord, patnubayan mo ang mga naging biktima ng bagyo, landslide at iba pa..." Pwede rin yung "Lord, kayo na po ang bahala sa aming mga mambabatas, sana'y magkasundo sila palagi.. " O kaya, "Lord, gabayan mo po ang bansang Pilipinas." Totoong sinabi sa Bibliya na isa hanggang dalawa ang nananalangin ay kanyang tutugunin(i don't know the exact words and verse). Totoo yun! Dahil mabisa ang sama-samang Panalangin. Hindi yung, "Ate, 'pag pray mo naman ako kasi may exam ako e. Eto bayad o. Thanks! " Mas matutuwa ang Diyos kung tayo mismo ang didirekta sa kanya. Sa ganitong paraan ay napagtitibay natin ang relasyon sa Diyos. Kahit hindi mo pa sinasabi, alam na ng Panginoon ang kailangan natin. Nais lang niya dedikasyon at taimtim na Panalangin. Lahat naman tayo ay pinkikinggan niya. Yun nga lang nagtataka tayo minsan kung ano ba ang perpektong formula ng panalangin para perpekto nya ring tugunan ang mga dasal natin. Dahil hindi lahat ng isinasangguni sa kanya ay natutupad. Pero para sa akin ang Diyos ay hindi parang isang balong malalim na hinuhulugan ng barya o Genie na agad tumutupad ng tatlong kahilingan. Dahil ang Diyos ay may sariling desisyon o paraan kung papaano tayo mapapabuti. Alam na rin kung kailan nya ibibigay ang ating hinihiling.

Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung bakit at ano ang talagang pakay ng grupo ng mga nagdarasal sa Simbahang yon. Konting oras lang naman ang hinihingi ng Diyos para manalangin at kilalanin sya. Sa konting oras na iyon ay siguradong hindi ito makakasagabal sa 'ting trabaho o ano mang pinagkakaabalahan natin. Ang Diyos rin ay nasa lahat ng dako. Sa lakas ng kapangyarihan nya, siguradong maririnig ka nya at pakikinggan. Hindi ko tinutuligsa ang mga nagdarasal para sa pera. Kung iyon ang sasagot sa bulsang walang laman, hala sige. diskarte nyo po yan. Ang mga sinasabi ko dito ay mga opinon ko lang base sa napapansin ko. Pero dapat isa-personal at iderekta natin ang Panalangin sa kanya. Dahil ito ang mabisang pundasyon na nagpapatibay ng relasyon ng Diyos at ng Tao...

peace!


No comments: