Friday, May 29, 2009
pakopya
nagsimula ang lahat nung sila'y nagsayawan
kanilang sinabayan ang kabilugan ng buwan
wari'y wala ng katapusan, ngiti ng taong bayan
salamat sa youtube, ang tanyag na panooran
ngunit, lingid pala kay babae
ang hidden cam na nakapatong sa eskaparate
nakatagong aparato'y na ngayo'y ume-ere
sino bang mag-aakala na may mamumuong debate?
download dito, upload doon kanilang inaasikaso
umabot pa sa quiapo ang bentahan na pinirata
ng mga taong-lobo
walang pakialam kumita lang kahit patago-tago
pero walang ligtas sa pangil na batas ni manzano
ang aktres daw ang biktima
ganun din daw ang nobyo ng doktora
pero sino nga ba sa kanilang dalawa?
ang papanigan at tatawaging may sala
iskandalong ito'y wala akong pakialam
napanood ko lang sa t.v.
'di sinasadyang nasilayan
anumang kahinatnan, diyos lang ang may alam
saan man laban, isa lang dapat maging talunan
upang okupahan ang naghihintay na malamig na kulungan!
peace!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment